Linggo, Hunyo 9, 2019
Punglo
PUNGLO
nakatitig ako sa bituin sa kalawakan
nagniningning hanggang binaybay ko ang karanasan
nakita kong nananalamin ang dagat sa buwan
habang nahihimbing pa ang araw sa kalangitan
naghahanda ang pulu-pulutong na mandirigma
at pupula ang tubig sa dagat, ilog at lawa
tila baga may malaking digmaang nagbabadya
habang nagsusumbatan yaong malalaking bansa
saan patungo ang bayang may iba't ibang uri
naglalabanan dahil sa pribadong pag-aari
nagpataasan ng ere ang mga hari't pari
at sa paglalaro nila, bayan na'y namumuhi
mabubuti ba'y pipi lang hanggang sila'y maglaho?
trapo't hunyango'y magpapalitan lang ba ng baho?
sa kahirapan ba mga dukha pa'y mahahango?
o kadenang ginto'y dapat nang lagutin ng punglo?
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Naninilay
NANINILAY baka magdyanitor na sa ospital paraan ng pagbabayad ng utang para lang kay misis na aking mahal para may iambag kahit munti man la...
-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
-
ANG TATAK SA POLOSHIRT "Nagkakaisang Lakas" ay "Tagumpay ng Lahat!" sa poloshirt ay tatak ito'y nakagaganyak upang...
-
KATAS NG TIBUYÔ nabili ko ang librong World's Greatest Speeches mula sa baryang naipon ko sa tibuyô magandang librong pinag-ipunan kong ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento