PAG AKO'Y NAKATUNGANGA, AKO'Y NAGTATRABAHO
pag ako'y nakatunganga, ako'y nagtatrabaho
pag nakatitig sa kisame, nagninilay ako
pag nakatingin sa kawalan, kayraming usyoso
at maya-maya lang ay isusulat ko na ito
kinikiskis ko ang utak sa loob ng kisame
naroon sa laot habang nakatitig sa balde
pinipitas ang agiw habang naroon sa katre
nakatitig sa kalangitang akala mo'y kapre
nagtatrabaho ako pag ako'y nakatunganga
sinisipat sa isip ang nangyayari sa madla
habang makina'y pinatatakbo ng manggagawa
habang inaararo naman ang binagyong lupa
sapagkat ako'y isang mangangatha, manunulat
itinititik sa papel, sa diwa sinisipat
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagsasamang maluwat
PAGSASAMANG MALUWAT dapat ang pagsasama'y matibay ito ang lagi kong naninilay si Eros at Venus ba ang gabay o mga magulang ang patnubay ...
-
taas-kamaong pagpupugay sa kababaihan pagkat tao'y nagmula sa inyong sinapupunan pagkat nanggaling sa inyo'y buong sangkatauhan...
-
ANG TAGAWALIS SA MADAWAG NA KALUNSURAN madawag na kalunsuran ay gubat kung pansinin tagawalis ng kalsada'y tunay na magigiting maagang g...
-
PAMASAHE nais kong magpamasahe at ako'y sumakay ng dyip trese na ang pamasahe ay di ko pa rin malirip onse kapag estudyante pidabalyudi ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento