Lunes, Pebrero 9, 2026

3 HR staff, 'hinold' ng mga di pinasweldong manggagawa

3 HR STAFF, 'HINOLD' NG MGA DI PINASWELDONG MANGGAGAWA

kaytindi ng balitang aking nabasa
tatlong istap ng Human Resource Department
ang 'hinold' umano ng mga obrerong
di pinasweldo, aba'y dapat talaga

nagpakahirap sa gawaing konstruksyon
ang mga obrero sa B.G.C., Taguig
upang makakain lamang ang pamilya
tapos di pa sasahod ng tamang oras

pagsasamantala na sa manggagawa
kaya tama lang magalit silang sadya
construction workers silang nagkandakuba
upang mga gusali'y sadyang magawa

di naman hostage-taking, anang barangay
dahil wala namang ginamit na armas
buti't pumayapa ang tensyong nangyari
at susweldo na raw sa Lunes, ang sabi

Sabado ng gabi nang maganap yaon
nagkaisa'y manggagawa sa konstruksyon
pinakita'y galit, tama lamang iyon!
pag api na'y dapat magkaisa ngayon!

- gregoriovbituinjr.
02.09.2026

* ulat mula sa pahayagang Bulgar at Pang-Masa, Pebrero 9, 2026, pahina 1 at 2

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang masamang asal ng nasa political dynasty

ANG MASAMANG ASAL NG NASA POLITICAL DYNASTY sadyang sa hayop ay masahol pa ang asal ng nasa dinastiya utusang pulubi lang ang masa na tatahi...