Miyerkules, Agosto 13, 2025

Kasaysayan at lipunan ay pag-aralan

KASAYSAYAN AT LIPUNAN AY PAG-ARALAN

bayani nga'y nagbilin sa bayan:
"matakot kayo sa kasaysayan
walang lihim na di nabubunyag"
madaling tandaan, maliwanag

ang bilin nila't yapak ay sundan
na pag-aralan ang kasaysayan
at pag-aralan din ang lipunan
kung nais natin ng kalayaan

lumaya sa pagsasamantala
lumaya sa bulok na sistema
lumaya sa kuhila't burgesya
at pulitikal na dinastiya

uring obrero'y pagkaisahin
tungong mapagpalayang layunin
iba pang sektor, pagkaisahin
at isyu nila'y ating aralin

at ipaglaban, kasama'y dukha
pesante, vendor, babae, bata
mangingisda, uring manggagawa
sa pakikibaka'y maging handa

- gregoriovbituinjr.
08.13.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kasaysayan at lipunan ay pag-aralan

KASAYSAYAN AT LIPUNAN AY PAG-ARALAN bayani nga'y nagbilin sa bayan: "matakot kayo sa kasaysayan walang lihim na di nabubunyag"...