ANG MAKITA NG MAKATA
sa paligid ay kayraming paksa
samutsaring isyu, maralita,
dilag, binata, bata, matanda,
kalikasan, ulan, unos, baha
kahit mga karaniwang gawa
ng magsasaka at manggagawa
anumang makita ng makata
tiyak gagawan niya ng tula
tulad ng inibig niyang kusa
sinta, madla, tinubuang lupa
nasunugan, naapi, kawawa
tutula siyang puno ng sigla
pagkat buhay niya ang kumatha
at kakatha siyang buong laya
subalit di ang magpatirapa
sa mapang-api, tuso't kuhila
kung dapat, maghihimagsik sadya
upang hustisya'y kamtin ng madla
pluma niya'y laging nakahanda
maging ang katawan, puso't diwa
- gregoriovbituinjr.
11.30.2024
* kinatha sa ika-161 kaarawan ni Supremo Gat Andres Bonifacio
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Bawang juice
BAWANG JUICE nag-init ng tubig sa takure at naglagay ng bawang sa baso di naman ako nagmamadali mamayang tanghali pa lakad ko madaling araw ...

-
ANG LABANDERO pag tambak na ang labada gawain ko ang maglaba damit ng anak, asawa, damit ng buong pamilya Perla ang gamit kong sabon at wala...
-
SONETO SA TANAWIN nakasasabik pagmasdan ang magandang tanawin na kung isa ka lang agila'y nais mong liparin at pitong bundok na matatari...
-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento