Linggo, Setyembre 10, 2023

RAMBOLetra uli


RAMBOLetra uli

kalugod-lugod ngayong umaga
ang laro sa app na RamboLetra
salita'y huhulaang talaga
ginhawa sa puso'y madarama

nakapagpapatalas ng isip
sa oras minsang nakakainip
may mga salitang mahahagip
o kaya'y di mo naman malirip

sumagot lang basta may panahon
pumarito ka ma't pumaroon
at inaantay ang kinakaon
mong nasa paaralan ngang iyon

mag-download ng RamboLetra sa app
at may galak na mahahagilap
pag nag-iisa'y parang kausap
sa iyo animo'y lumilingap

- gregoriovbituinjr.
09.10.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Salamat sa pamasko ng karinderya

SALAMAT SA PAMASKO NG KARINDERYA mula sa kinakainan kong karinderya sa kanilang suki ay nagregalo sila pamaskong handog sa mga kostumer nila...