Sabado, Mayo 1, 2021

Ang uno per uno pala'y di one inch pag sa kahoy

ANG UNO PER UNO PALA'Y DI ONE INCH PAG SA KAHOY

binili'y uno per unong kahoy para sa banner
subalit natanto naming kami'y nadayang pilit
one inch pala'y di uno pag ginamitan ng ruler
sinukat namin, lima sa walong guhit o five eighth

oo, ang one inch ay di uno kundi five eighth lamang
sinukat pati dating kahoy, ganito rin naman
ang akala naming one inch, sa sukat pala'y kulang
dapat talagang usisain bakit ito'y ganyan

ah, kayhirap kasing ang nadarama mo'y nadaya
kulang sa sukat ang kahoy na biniling talaga
mahirap ngang sa sarili'y nariyang nagdududa
at sa bagay na di alam ay baka magprotesta

hinay-hinay lang, puso mo, iya'y masasagot din
kung magtatanong lang muna't ito ang unang gawin

- gregoriovbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sampung piso na ang kamatis

SAMPUNG PISO NA ANG KAMATIS ang isang balot na kamatis tatlong laman ay trenta pesos pagsirit ng presyo'y kaybilis buti't mayroon pa...