matagal ko nang naririnig ang Alpha Centauri
na sistema ng mga bituing kita sa gabi
kapara ng sistemang solar na iniintindi
na nais kong ikwintas sa magandang binibini
Alpha Centauri'y titigan mo't madarama'y saya
kukuti-kutitap sa kalangitan, O, sinta
maipapangako mo sa iyong magandang musa
na iyong iaalay ng buong puso sa kanya
isa raw sa pinakamaliwanag na bituin
sa kalangitan na natatanaw dito sa atin
ito yata ang totoong bituing nagniningning
sa gabing pusikit habang sa sinta'y naglalambing
kagabi, Alpha Centauri nga'y muli kong minasdan
habang astronomya'y pinag-aaralang mataman
paano gumalaw ang bituin sa kalangitan
upang galaw din ng daigdig ay maunawaan
- gregbituinjr.
06.15.2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Bigla ang pagbuhos ng ulan
BIGLA ANG PAGBUHOS NG ULAN bigla ang pagbuhos ng ulan habang paalis sa tahanan animo'y may bagyo na naman at magbabaha ang lansangan may...

-
ANG LABANDERO pag tambak na ang labada gawain ko ang maglaba damit ng anak, asawa, damit ng buong pamilya Perla ang gamit kong sabon at wala...
-
SONETO SA TANAWIN nakasasabik pagmasdan ang magandang tanawin na kung isa ka lang agila'y nais mong liparin at pitong bundok na matatari...
-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento