larawan niya'y nakaukit na sa aking diwa
sadyang kayganda ng larawan ng aking diwata
anong pungay ng mata niyang tila lumuluha
kaytamis pa ng kanyang ngiting ang dama ko'y tuwa
kailangan pa ba natin ng isang inspirasyon?
di pa ba sapat ang haraya o imahinasyon?
o mas kailangan nating magsikap, perspirasyon?
o siya'y isang panaginip, di muna babangon?
ano nga ba ang diyalektika ng pagmamahal?
maliban sa naiisip nitong makatang hangal
mula nga ba sa puso, o sa diwa mo'y nakintal?
ang kanyang ganda, pati na mabuti niyang asal?
ano bang inaasam sa kinakathang pag-ibig?
upang magandang diwata'y makulong ko sa bisig?
sa hirap ko, anong isusubo sa kanyang bibig?
bigas ba o bato? magsikap upang may pinipig?
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagtatása at Pagtatasá (Assessment and Sharpening)
PAGTATÀSA at PAGTATASÁ (Assessment and Sharpening) pag natapos ang plano at mga pagkilos ay nagtatàsa o assessment nang maayos kung ang pag...
-
ANG LABANDERO pag tambak na ang labada gawain ko ang maglaba damit ng anak, asawa, damit ng buong pamilya Perla ang gamit kong sabon at wala...
-
TIPANAN deyt namin ni misis dahil anib ng aming kasal, muling nagsanib ang aming pusong talagang tigib ng pagmamahal sa isang liblib na milk...
-
UPOS SA PASO sa palengke'y nagtungo ni misis nabili'y isang tumpok na isda okra, itlog, sangkilong kamatis nang may makitang ikinabi...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento