Soneto ngayong Mayo Uno
Ngayong Mayo Uno, taas-kamao sa obrero
Ginagawa ninyo'y dapat lamang bigyang-saludo
Ang bumubuhay sa ekonomya ng bansa'y kayo
Yinayari ninyo'y tunay ngang para sa progreso
Oo, ngayong Mayo Uno, paggawa'y ipagdiwang
Na karapatan ng manggagawa'y dapat igalang
Gumigising sa umaga, nagtatrabaho hanggang
Makakaya, otso oras o may obertaym man lang
Asamin nating silang imortal ay maghimagsik
Yamang pinagsasamantalahan ng tusong switik
O, manggagawa, kayo'y magkaisa, aming hibik
Upang itayo ang lipunan ninyong natititik
Nawa, kahit lockdown, makita ang pagkakaisa
Organisadong manggagawa'y malakas na pwersa
- gregbituinjr.
05.01.2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Balitang welga
BALITANG WELGA panig ba ng unyon ay naibulgar? o ng manedsment lang sa dyaryong Bulgar? nabayaran kaya ang pahayagan? upang nagwelgang unyon...

-
ANG LABANDERO pag tambak na ang labada gawain ko ang maglaba damit ng anak, asawa, damit ng buong pamilya Perla ang gamit kong sabon at wala...
-
SONETO SA TANAWIN nakasasabik pagmasdan ang magandang tanawin na kung isa ka lang agila'y nais mong liparin at pitong bundok na matatari...
-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento