SALI, SALIT, SALITA
kahapon, unti-unti kong sinasalsal ang diwa
magtatapos na ang buwan, wala pa ring nagawa
unang araw ng panibagong buwan ay kakatha
ng bukangliwayway, ilalarawan ang paglaya
mula sa lumbay, karahasan, dugo, dusa't luha
sumali ako sa ilang samahang kumikilos
upang kalabanin ang anumang pambubusabos
kahit salit-salitan, pamilya, kilusan, kapos
kahit walang masasayang piging na idaraos
upang baguhin ang sistemang dulot ay hikahos
pag-ibig ang itinaguyod upang laya'y kamtin
upang may kapayapaan sa puso't diwa natin
at ngayon, yaring diwa'y patuloy na sasalsalin
upang makatas ang mga salitang tutulain
bakasakaling may bagong palad kitang dadamhin
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Plakard sa baybayin
PLAKARD SA BAYBAYIN sa plakard mababasa ng bayan nasa baybayin ang panawagan laban sa mga tuso't gahaman na nagnakaw sa pondo ng bayan ...
-
ANG LABANDERO pag tambak na ang labada gawain ko ang maglaba damit ng anak, asawa, damit ng buong pamilya Perla ang gamit kong sabon at wala...
-
TIPANAN deyt namin ni misis dahil anib ng aming kasal, muling nagsanib ang aming pusong talagang tigib ng pagmamahal sa isang liblib na milk...
-
UPOS SA PASO sa palengke'y nagtungo ni misis nabili'y isang tumpok na isda okra, itlog, sangkilong kamatis nang may makitang ikinabi...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento