kaysarap magsulat sa isipan
habang pinggan ay hinuhugasan
maya-maya'y maglalaba naman
habang tumutula ng anuman
dapat matanggal ang mga sebo
kayurin ang uling sa kaldero
punasan ang nahugasang plato
at ikamada ang mga baso
mga buto'y agad pagbuklurin
mga tinik ay ibasura na rin
isama pati balat ng saging
habang kinakatha ang pahaging
pag natapos na'y agad maghinaw
ng kamay, kahit na giniginaw
gubat ma'y marilim at mapanglaw
magsusulat sa tabi ng tanglaw
at ititipa agad sa selpon
yaong naganap buong maghapon
isasalansan sa mga saknong
ang mga titik ng rebolusyon
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Paalala para sa Disyembre 9: International Anti-Corruption Day
PAALALA PARA SA DISYEMBRE 9: INTERNATIONAL ANTI-CORRUPTION DAY higit isang buwan pa ang palilipasin ay talagang pinaghahandaan na natin ang ...
-
ANG LABANDERO pag tambak na ang labada gawain ko ang maglaba damit ng anak, asawa, damit ng buong pamilya Perla ang gamit kong sabon at wala...
-
TIPANAN deyt namin ni misis dahil anib ng aming kasal, muling nagsanib ang aming pusong talagang tigib ng pagmamahal sa isang liblib na milk...
-
UPOS SA PASO sa palengke'y nagtungo ni misis nabili'y isang tumpok na isda okra, itlog, sangkilong kamatis nang may makitang ikinabi...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento