ayokong mabagot, nais ko'y laging nasa laban
di ang umuwi ng probinsya't manahimik na lang
nais kong sa laban masalubong si Kamatayan
kaysa payapang buhay na isip ay sarili lang
para lang sa mga maysakit ang pamamahinga
di mo mababago ang lipunan pag nasa kama
kung laging nananahimik imbes nasa kalsada
di kakamtin ang asam na panlipunang hustisya
kabagot-bagot ang buhay na pulos telebisyon
pulos drama sa buhay at pulos paglilimayon
walang prinsipyong taglay at walang misyon at layon
kundi magpalaki ng bayag, lumaklak, lumamon
mabuti pang sumama sa mga pakikibaka
kaysa manahimik sa isang tabi't nakatanga
- gregbituinjr.
Miyerkules, Enero 1, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagpisil sa kamay
muli, nasa ospital ako upang kay misis ay dumalaw siya'y muling tinitigan ko hinawakan ang kanyang kamay pinisil ang mga daliri kamay ko...

-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
-
ANG TATAK SA POLOSHIRT "Nagkakaisang Lakas" ay "Tagumpay ng Lahat!" sa poloshirt ay tatak ito'y nakagaganyak upang...
-
KATAS NG TIBUYÔ nabili ko ang librong World's Greatest Speeches mula sa baryang naipon ko sa tibuyô magandang librong pinag-ipunan kong ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento