kinakatha kita sa panahong di matingkala
nasa puso kita't diwa, O, aking minumutya
ano bang pinagkaisahan natin at adhika
upang magpasyang magsama sa gawaing dakila
kinakatha kita bilang amasonang huwaran
maalindog, matapang, kayumangging kaligatan
sa pusong ito'y kapilas ka't di basta maiwan
sa tuwina'y magkasangga sa anumang larangan
kapwa kita tibak, may lasa pa ba ang pag-ibig?
gaano kaya katamis ang ating pagniniig?
umawit ka, diwatang mutya't ako'y makikinig
nahahalina ako sa anong ganda mong tinig
sadyang kayganda ng adhika mo para sa masa
kaya sinasamahan kita sa pakikibaka
ikaw lamang ang aking natatanging amasona
na dito sa puso't diwa ko'y aking sinisinta
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Payo sa isang dilag
PAYO SA ISANG DILAG aanhin mo ang guwapo kung ugali ay demonyo at kung di mo siya gusto dahil siya'y lasenggero ay bakit di mo tapatin a...
-
taas-kamaong pagpupugay sa kababaihan pagkat tao'y nagmula sa inyong sinapupunan pagkat nanggaling sa inyo'y buong sangkatauhan...
-
PAMASAHE nais kong magpamasahe at ako'y sumakay ng dyip trese na ang pamasahe ay di ko pa rin malirip onse kapag estudyante pidabalyudi ...
-
KATAS NG TIBUYÔ nabili ko ang librong World's Greatest Speeches mula sa baryang naipon ko sa tibuyô magandang librong pinag-ipunan kong ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento