SA NANGGAGAGO SA KARAPATANG PANTAO
gago ang tawag sa mga taong tumutuligsa
sa karapatang pantao, karapatan ng tao
aba'y binabastos pa nila't binabalewala
ang karapatang pantaong dapat nirerespeto
naglalaway sila sa dugo, mahilig sa tokhang
kahit wala pang kasalanan, agad mamamaril
mga aso ng pangulong patuloy ang pagsagpang
walang proseso, basta napagtripan ka'y kikitil
matutulis ang pangil nilang tulad sa buwaya
pag lumaban ang masa'y agad nilang tinitiris
kawalan ng wastong proseso'y hahayaan lang ba
ang kawalang katarungan ba'y iyong matitiis
ang gagong sa karapatang pantao'y lumalabag
ay dapat lang tuluyang tuligsain at mausig
dapat ang human rights defenders ay maging matatag
at ang gumagago sa karapatan ay malupig
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagdalaw sa puntod
PAGDALAW SA PUNTOD dinalaw ko ang puntod ni Ama sa petsang unang anibersaryo ng kamatayan, kaya pamilya ay nagsitungo sa sementaryo matapos ...

-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
-
ANG TATAK SA POLOSHIRT "Nagkakaisang Lakas" ay "Tagumpay ng Lahat!" sa poloshirt ay tatak ito'y nakagaganyak upang...
-
KATAS NG TIBUYÔ nabili ko ang librong World's Greatest Speeches mula sa baryang naipon ko sa tibuyô magandang librong pinag-ipunan kong ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento