nagbubunga nga ba ang bawat nating pagsisikap
upang tuluyang kamtin ang ating pinapangarap
may lungkot sa iyong ngiti, ito'y aking hinagap
habang mga mata mo'y patuloy na nangungusap
nawa'y di na pawang kabiguan itong malasap
patuloy tayong magsikap upang kamtin ang mithi
halina't magtulungan sa bawat pagpupunyagi
magkasabay nating ihasik ang magandang binhi
baka ibunga'y mabuti, nagbabakasakali
upang katwiran at kabutihan ang manatili
sa anumang panata'y ayoko nang mabilanggo
ayokong pangako ng trapo'y laging napapako
sa pusalian ba'y kailan tayo mahahango
ang kumunoy ba ng kahirapan ay maglalaho
o tayo'y nalilinlang ng kapitalistang mundo
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sabalo
SABALO Una Pahalang, agad nasagot ang tanong: Nangingitlog na Bangus batid ng buhay organisador na kalsada iyon sa Malabon bukambibig nga i...

-
ANG LABANDERO pag tambak na ang labada gawain ko ang maglaba damit ng anak, asawa, damit ng buong pamilya Perla ang gamit kong sabon at wala...
-
SONETO SA TANAWIN nakasasabik pagmasdan ang magandang tanawin na kung isa ka lang agila'y nais mong liparin at pitong bundok na matatari...
-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento