nais kong bigkasin ang tula ko sa inyo
tulad ng lawin sa labas ng paraiso
o rosas sa harap ng sawing paruparo
na ang hibik ay katarungan sa bayan ko
nais kong bigkasin sa inyo itong tula
nang may halong hikbi, poot, luha at tuwa
upang inyong madama ang bawat adhika
habang hustisya'y hanap kasama ang dukha
halina't ang aking tula'y inyong pakinggan
baka maluha kayo sa aking kundiman
sa bawat kataga'y inyong malalasahan
ang lansa't pait na sa dibdib ko'y nanahan
maraming salamat sa inyong pakikinig
kahit yaong tula'y may tinig pang-uusig
panlilinlang at tiwali'y dapat malupig
upang katarungan sa bayan na'y manaig
gregbituinjr.
Huwebes, Hulyo 25, 2019
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagsulyap
nandito akong muli sa ospital dinadalaw siya pag visiting hours at tinitigan ko na naman siya ngunit di muna ako nagpakita kagabi, nang siy...
-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
-
ANG TATAK SA POLOSHIRT "Nagkakaisang Lakas" ay "Tagumpay ng Lahat!" sa poloshirt ay tatak ito'y nakagaganyak upang...
-
KATAS NG TIBUYÔ nabili ko ang librong World's Greatest Speeches mula sa baryang naipon ko sa tibuyô magandang librong pinag-ipunan kong ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento