HALINA'T MAG-YOSIBRIK
di ka pa ba naiinis sa naglipanang upos
sa basurahan, daan, dagat, di maubos-ubos
tila ba sa ating likuran, ito'y umuulos
upos sa kapaligiran, animo'y umaagos
sa nangyayari'y dapat may gawin, tayo'y umimik
tipunin ang mga upos, gawing parang ECOBRICK
sa boteng plastik ay ipasok at ating isiksik
ang boteng siksik sa upos ay tawaging YOSIBRIK
kailangang may gawin sa upos na naglipana
sa dagat kasi'y upos na ang pangatlong basura
di ba't dahil sa upos, may namatay na balyena
imakalang pagkain ang itinapong basura
madawag na ang lungsod, sa upos ay nabubundat
naninigarilyo kasi'y walang kaingat-ingat
pansamantalang tugon sa upos na walang puknat
ay gawing yosibrik ang mga upos na nagkalat
- gregbituinjr.
Miyerkules, Abril 3, 2019
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
Di pangkaraniwang araw
DI PANGKARANIWANG ARAW di pangkaraniwang araw ito para sa akin, Abril a-otso ngayon ang operasyon ni misis sana'y tagumpay siyang matis...
-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
-
ANG TATAK SA POLOSHIRT "Nagkakaisang Lakas" ay "Tagumpay ng Lahat!" sa poloshirt ay tatak ito'y nakagaganyak upang...
-
KATAS NG TIBUYÔ nabili ko ang librong World's Greatest Speeches mula sa baryang naipon ko sa tibuyô magandang librong pinag-ipunan kong ...