HALINA'T MAG-YOSIBRIK
di ka pa ba naiinis sa naglipanang upos
sa basurahan, daan, dagat, di maubos-ubos
tila ba sa ating likuran, ito'y umuulos
upos sa kapaligiran, animo'y umaagos
sa nangyayari'y dapat may gawin, tayo'y umimik
tipunin ang mga upos, gawing parang ECOBRICK
sa boteng plastik ay ipasok at ating isiksik
ang boteng siksik sa upos ay tawaging YOSIBRIK
kailangang may gawin sa upos na naglipana
sa dagat kasi'y upos na ang pangatlong basura
di ba't dahil sa upos, may namatay na balyena
imakalang pagkain ang itinapong basura
madawag na ang lungsod, sa upos ay nabubundat
naninigarilyo kasi'y walang kaingat-ingat
pansamantalang tugon sa upos na walang puknat
ay gawing yosibrik ang mga upos na nagkalat
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ika-16 na death monthsary ni misis
SA IKA-16 NA DEATH MONTHSARY NI MISIS Lagi kitang nasa alaala, O, aking sinta't tanging asawa! Itinutula ko'y pagmamahal. Tila ba ...
-
SA NUCLEAR ENERGY SAFETY ACT, NUKLEYAR NGA BA'Y LIGTAS? Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nagulat ako sa dinaluhan kon...
-
IMBIS IPRITO ANG ITLOG, ISAPAW SA INIININ imbis iprito ang itlog isapaw sa iniinin wala nang mantikang sahog sasarap pa itong kain payak na ...
-
PALIGSAHAN NA BA ANG PAGHULI NG KRIMINAL? paramihan na raw ng huli ng kriminal, sa ulat sabi ng bagong tinalagang hepe o namumuno sa PNP su...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento