Miyerkules, Marso 25, 2026

Planetang Biyo, ipinangalan sa Pinay na gurô

PLANETANG BIYO, IPINANGALAN SA PINAY NA GURÔ
‎ang Florian main-belt asteroid 13241 Biyo 
‎na nadiskubre ng LINEAR sa Lincoln Lab's ETS
‎ay ipinangalan kay Guro Dr. Josette Biyo
‎ng Philippine Science High School System (PSHSS)
‎karangalan nang ipangalan sa isang planeta
‎ang gurong mahusay, biyolohista, siyentista
‎ganito'y pambihirang pagkakataon talaga
‎dangal ng lahi, sadyang dapat pagpugayan siya
‎siya'y ipinanganak sa Janiuay, Iloilo
‎at nakatapos sa UP Visayas sa Miag-ao
‎ng Bachelor's Degree in Biological Sciences
‎tinanggap pa'y maraming award sa larang ng agham
‎kay Dr. Josette Biyo, taasnoong pagpupugay!
‎ang iyong mga naiambag ay malaking bagay
‎para sa bansa't estudyanteng tinuruang tunay
‎salamat po, Dr. Biyo, mabuhay ka! MABUHAY!
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.25.2026
‎* ulat mulâ sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Pebrero 10, 2026, p. 5
* dagdag na datos mula sa Wikipedia

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

May karapatan tayong lumaban

MAY KARAPATAN TAYONG LUMABAN ‎ ‎may karapatan tayong lumaban ‎kahit na dama natin ang takot ‎gaano man ang kapangyarihan ‎ng mga buktot at m...