Miyerkules, Marso 18, 2026

Pangdalawampu't siyam na sa mundo si Alex Eala

PANGDALAWAMPU'T SIYAM NA SA MUNDO SI ALEX EALA
‎taasnoong pagpupugay sa iyo
at abotkamay na ang pangarap mo
‎unti-unti, huwag agad itodo
‎ikaw ri'y magiging numero uno
‎karangalan ay iyong hinahakot
‎sa larangan ng tennis ay naabot
‎ang tagumpay, di gaya ng kurakot
‎sa bansâ, trapong walanghiya't buktot
‎sa bawat laban, tila iyong pasan
‎sa balikat ang ating buong bayan
‎nakaukit na ang iyong pangalan
‎sa aklat nitong ating kasaysayan
O, Alex, kayhusay mo at kaytalas
‎pangdalawampu't siyam na ang antas
‎sa pandaigdigang tennis, kaylakas
‎ng palo at karismang pinamalas
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.18.2026
‎* ulat mulâ sa pahayagang Bulgar at Remate, Marso 17, 2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pangdalawampu't siyam na sa mundo si Alex Eala

PANGDALAWAMPU'T SIYAM NA SA MUNDO SI ALEX EALA ‎ ‎taasnoong pagpupugay sa iyo at abotkamay na ang pangarap mo ‎unti-unti, huwag agad ito...