SALAMAT SA BAG
salamat sa bag na bigay sa akin
nang lumahok sa isang lakbay-aral
na hinggil sa makasaysayang Pasig
napag-aralan sa diwa'y sumiksik
at sa pag-uwi'y agad na nag-selfie
nabili kong t-shirt na isinuot
ay may tatak ng bayaning Supremo,
ang dakilang Gat Andres Bonifacio
kaysarap mag-aral ng kasaysayan
ng nangyari't lugar sa bansa natin,
kayraming pinuntahan, mga kwento
tulad ng tagumpay ng Nag-Sabado
salamat sa ganitong aktibidad
lakbay-aral sa bayan at siyudad
bag na bigay ay iingatang sukat
na bahagi ng aking pagkamulat
- gregoriovbituinjr.
02.08.2026
* matapos dumalo sa 2nd tour ng historic Pasig, Pebrero 7, 2026
Linggo, Pebrero 8, 2026
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sikologo ba si Kologo?
SIKOLOGO BA SI KOLOGO? ang Espanyol daw ng psychologist ay psicologo , sa Filipino ay sikologo , kung itatambis parang sikologo si Kulogo di...
-
SiBaKa - sibuyas, bawang, kamatis ang agahan kasabay ng TaKam o talbos ng kamote naman pawang pampatibay pa ng resistenya't katawan aba...
-
PALIGSAHAN NA BA ANG PAGHULI NG KRIMINAL? paramihan na raw ng huli ng kriminal, sa ulat sabi ng bagong tinalagang hepe o namumuno sa PNP su...
-
anong ipagsisipag kung wala namang gagawin? sasabihan kang tamad sa di mo naman tungkulin? magsisipag ka talaga kung may trabahong angkin ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento