Miyerkules, Pebrero 11, 2026

Ibasura

IBASURA

kalat sa lansangan, ibasura
ilagay sa wasto ang basura
nabubulok at di nabubulok
paghiwalayin, di sinusunog

ang mga mata'y ating imulat
sa paligid na animo'y gubat
nang dahil sa basurang nagkalat
walisin din pati mga korap

ibasura pati trapong bugok
pati mga lingkod-bayang bulok
isama ang kontraktor na hayok
na sa ghost flood control nakatutok

mga upos, plastik, ibasura!
pati mga trapong palamara!
pulitikong korap, isama na!
bulok na sistema, ibasura!

- gregoriovbituinjr.
02.11.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang masamang asal ng nasa political dynasty

ANG MASAMANG ASAL NG NASA POLITICAL DYNASTY sadyang sa hayop ay masahol pa ang asal ng nasa dinastiya utusang pulubi lang ang masa na tatahi...