Martes, Pebrero 10, 2026

Disgrasya sa "beating the red light"

DISGRASYA SA "BEATING THE RED LIGHT"

mga babaeng angkas ang namatay
nang binangga ng van, "beating the red light"
binundol sila kaya humandusay
sa lansangan, sadyang nakalulumbay

balità lang iyon ng aksidente
nabasa lang sa isang pahayagan
paano kung ganoon ang mangyari
sa akin, o kakilalang sinuman

"beating the red light" at nakadisgrasya
ang van, nakamotorsiklo'y nabanggâ
tsuper pa ng van ay walang lisensya
apurado'y nakapatay ngang lubhâ

sayang ang buhay ng mga biktima
pag ang nagmamaneho'y walang ingat
ilan pang paluluhaing pamilya
nang dahil sa ganyang "beating the red light" 

- gregoriovbituinjr.
02.10.2026

* ulat mulâ sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Pebrero 10, 2026, p.9

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paunang Salita sa planong aklat na "Talambuhay ng Ilang Manunulat na Nagpatiwakal"

PAUNANG SALITA ni Gregorio V. Bituin Jr. Hindi ako sikolohista kundi isang biyudong nakaranas ng depresyon. Kalagitnaan ng Abril 2026, halos...