BOOKLET LAUNCHING NG ABANG MAKATÂ
di naman ako sikat na makatâ
upang puntahan ng obrero't dukhâ
o kaya'y ng nakararaming madlâ
na inuuna muna'y ang sikmurà
ngayon ay isa muling booklet launching
ng bagong libreto ng tulâ pa rin
sana, ang isang ito'y di langawin
kundi puntahan at ito'y dalawin
pinakikita lang ang katapatan
sa pagbaka para sa karapatan
at sa isyung hustisyang panlipunan
at katapatan din sa panitikan
nitong Disyembre sa booklet launching ko
ang dumating at sumuporta'y tatlo
sana lang sa launching ngayong Pebrero
may dumating kahit pito o walo
- gregoriovbituinjr.
02.20.2026 (World Day of Social Justice)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ika-16 na death monthsary ni misis
SA IKA-16 NA DEATH MONTHSARY NI MISIS Lagi kitang nasa alaala, O, aking sinta't tanging asawa! Itinutula ko'y pagmamahal. Tila ba ...
-
SA NUCLEAR ENERGY SAFETY ACT, NUKLEYAR NGA BA'Y LIGTAS? Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nagulat ako sa dinaluhan kon...
-
PALIGSAHAN NA BA ANG PAGHULI NG KRIMINAL? paramihan na raw ng huli ng kriminal, sa ulat sabi ng bagong tinalagang hepe o namumuno sa PNP su...
-
IMBIS IPRITO ANG ITLOG, ISAPAW SA INIININ imbis iprito ang itlog isapaw sa iniinin wala nang mantikang sahog sasarap pa itong kain payak na ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento