Sabado, Enero 24, 2026

Dapat pala'y may alam din sa geography

DAPAT PALA'Y MAY ALAM DIN SA GEOGRAPHY

higit sa sampung tanong / hinggil sa mga lugar
sa bansa't ibang bansâ / sa krosword ay tinugon
kayâ ang geography / ay dapat nating alam
o kaya'y sa krosword na / natin natututunan

Siam ang dating ngalan / ng kapitbansang Thailand 
may lungsod din ng Reno / sa Nevada, U.S.A.
at lugar na sa bansâ / ang karamihang tanong
na agad naman nating / talagang sinagutan

naroroon sa Pasay  / ang airport ng NAIA
Glan ay sa Saranggani, / di sa South Cotabato
ang bayan ng Panabo, / nasa Davao del Norte 
ang bayan ng Maasin / ay nasa Southern Leyte

ang Angat sa Bulacan, / Minglanilla sa Cebu
Pili, Camarines Sur, / Panguntaran sa Sulu
bayan ng Aliaga / sa Nueva Ecija
may Lian sa Batangas / at marami pang iba

may bayan ng Anilao, / di lamang sa Batangas
kundi sa  Iloilo, / Oton din ay narito
pagkaminsan talaga / ay sa palaisipan
may dagdag-kaalaman, / may bagong natutunan

- gregoriovbituinjr.
01.24.2026

* krosword mulâ sa pahayagang Remate, Enero 17, 2026, p.10

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Takót sa sariling anino

TAKÓT SA SARILING ANINO takót sa sariling anino ang mga kurakot sa pondo ng bayan, sadyang mga tuso at kunwari'y relihiyoso upang makalu...