Lunes, Oktubre 6, 2025

Guyabano tea

GUYABANO TEA

dahon ng guyabano
at mainit na tubig
paghaluin lang ito
nang lumakas ang bisig

at buo mong kalamnan
na ang lasa'y kaysarap
tanim lang sa bakuran
di na ako naghanap

guyabano na'y tsaa
inumin nang lumusog
paggising sa umaga
o bago ka matulog

tikman, guyabano tea
madaramang lalakas
at di ka magsisisi
kalusugan mo'y wagas

- gregoriovbituinjr.
10.06.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Batang edad 9, patay sa gulpi

BATANG EDAD 9, PATAY SA GULPI karumaldumal, karima-rimarim yaong sinapit ng magkakapatid sa kamay ng di kilalang salarin ang búhay ng bunso...