Sabado, Agosto 9, 2025

Huwag magyosi sa C.R.

HUWAG MAGYOSI SA C.R.

ang paalala'y napakasimple: 
"Please no smoking. (Huwag magyosi.)
Fire alarm may trigger." sisirena
ang alarm na may usok, may sunog

minsan, ang pahinga ng marami
mula sa trabaho ay magyosi
kapag break time, yosi break din nila
animo'y nagsusunog ng baga

pag nangamoy usok, ang detector
ay magpapakawala ng tubig
uunahan sakaling may sunog
ay maapula agad ang apoy

bakasakali babaha sa mall
at maaabala ang sinuman
basa ang maraming kagamitan
tutukuyin ang may kasalanan

kaya paalala'y ating sundin
para rin sa kapakanan natin
upang di maalarma ang lahat
sundin ang babala at mag-ingat

- gregoriovbituinjr.
08.09.2025

* kuha ang litrato sa isang C.R. sa mall

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Huwag magyosi sa C.R.

HUWAG MAGYOSI SA C.R. ang paalala'y napakasimple:  "Please no smoking.  (Huwag magyosi.) Fire alarm may trigger."  sisirena an...