Biyernes, Abril 18, 2025

Ako'y nauuhaw

AKO'Y NAUUHAW

"Ako'y nauuhaw!" sabi ni Hesus
habang nakabayubay siya sa krus
pangungusap na inalalang lubos
nang Semana Santa ay idinaos

"Ako'y nauuhaw!" ang pahiwatig
ni misis, habang siya'y nasa banig
ng karamdaman, akong umiibig
pinainom agad siya ng tubig

- gregoriovbituinjr.
04.18.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagsakit ng kanang balikat

kahapon, sumakit ang kanyang kanang balikat na di na niya maigalaw dahil sa istrok na tila na-dislocate, o kaya'y napilayan payo ng dokt...