TAMPIPÌ
sa krosword ko lang muling nakita
ang salitang kaytagal nawalâ
sa aking isip ngunit kayganda
upang maisama sa pagtulâ
labimpito pahalang: bagahe
at naging sagot ko ay: TAMPIPÌ
kaylalim na Tagalog kung tingni
na kaysarap bigkasin ng labì
sa Batangas ko unang narinig
sa lalawigan ng aking tatay
tampipì ang lagayan ng damit
maleta o bagahe ngang tunay
nababalikan ang nakaraan
sa nawalang salitang ganito
ay, salamat sa palaisipan
muling napapaalala ito
- gregoriovbituinjr.
01.18.2024
* krosword mula pahayagang Pilipino Star Ngayon, Enero 16, 2024, p.10
Sabado, Enero 18, 2025
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
May sariling daigdig - tanaga-baybayin
may sariling daigdig itong makatang gising tula ng tula kahit wala sa toreng garing -tanaga-baybayin gbj/01.28.2026
-
ANG LABANDERO pag tambak na ang labada gawain ko ang maglaba damit ng anak, asawa, damit ng buong pamilya Perla ang gamit kong sabon at wala...
-
UPOS SA PASO sa palengke'y nagtungo ni misis nabili'y isang tumpok na isda okra, itlog, sangkilong kamatis nang may makitang ikinabi...
-
LAMPARAW kung walang kuryente'y gamitin natin ang lamparaw o solar lamp sa Ingles, lamparang gamit ay araw dapat paghandaan anumang ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento