NASAWI NANG MASABUGAN NG KWITIS
sadya bang Pinoy ay walang kadala-dala
kada Bagong Taon, kaytitinding paputok
nasabugan, may mga daliring nawala
sino bang sa ganitong isyu nakatutok?
dapat nang ang ganitong sistema'y matigil
may ginagawa na ba ang pamahalaan?
na pagpapaputok ay tuluyang mapigil?
mabawasan, kundi man, wala nang masaktan?
may isang lalaking nasabugan ng kwitis
na ayon sa ulat ay agad na namatay
matinding pinsala ang tinamong mabilis
sa ganyang kalagayan, ikaw ba'y palagay?
anong gagawin upang di mangyaring muli?
at maiwasto ang ganyang pagkakamali?
- gregoriovbituinjr.
01.08.2025
* ulat mula sa pahayagang Pang-Masa, 6 Enero 2025, tampok na balita sa pahina 1 at 2
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang katalinuhan ng mabagal na pagong
ANG KATALINUHAN NG MABAGAL NA PAGONG Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Mahusay ang mabagal na pagong. Marami nang magkwento nito. ...
-
ANG LABANDERO pag tambak na ang labada gawain ko ang maglaba damit ng anak, asawa, damit ng buong pamilya Perla ang gamit kong sabon at wala...
-
UPOS SA PASO sa palengke'y nagtungo ni misis nabili'y isang tumpok na isda okra, itlog, sangkilong kamatis nang may makitang ikinabi...
-
LAMPARAW kung walang kuryente'y gamitin natin ang lamparaw o solar lamp sa Ingles, lamparang gamit ay araw dapat paghandaan anumang ...


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento