Miyerkules, Enero 29, 2025

8-anyos, pinakabatang nabuntis

8-ANYOS, PINAKABATANG NABUNTIS

nakababahala / ang gayong balita
pagkat nabasa ko'y / kay-agang nabuntis
edad walong anyos / ang pinakabata
kay-agang naglandi? / di na nakatiis?

sa edad lang niya, / siya'y walang muwang
kaybata pa't siya'y / pinag-interesan?
ayon pa sa ulat, / siya na'y nagsilang
bata ba'y mahirap? / at pambayad utang?

di na iyan kaso / ng teenage pregnancy
bata ang nabuntis, / paano naganap?
nakababahala / iyang child pregnancy
nangyari bang ganyan / sa bansa'y laganap?

may nagawa kayang / batas hinggil dito?
upang magabayan / ang mga bata pa
kung may edukasyon / magtuturo'y sino?
ang gurong di danas / makapag-asawa?

mga kasong ganyan / ay masalimuot
ang bata bang iyon / ay isang biktima?
marami pang tanong / ang dapat masagot
upang child pregnancy / ay mapigilan pa

- gregoriovbituinjr.
01.29.2025

* ulat mula sa pahayagang Pang-Masa, Enero 29, 2025, tampok na balita (headline) at pahina 2; pahayagang Abante, Enero 29, 2025, pahina 2

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Umuwi muna sa bahay

UMUWI MUNA SA BAHAY Sabado, umuwi muna ako sa bahay mula ospital, nang dito magpahingalay naiwan ang dalawang pamangkin ni Libay pati kanyan...