Linggo, Hunyo 9, 2024

Torture room, bumulaga

TORTURE ROOM, BUMULAGA

may natagpuang torture room sa Porac,
Pampanga't talagang nakasisindak

sa bisa ng search warrant, ginalugad
at pinasok ng mga awtoridad

ang naroroong apatnapu't anim
na gusaling walang ilaw, kaydilim

habang ginagalugad, nadiskubre
ang mga pangtortyur na sinasabi

may baseball bat,-kuryente't iba pa
na umano'y torture paraphernalia

may nasagip pa sila roong sadya
nakatali sa bed frame at may pasa

bakit ba may torture room sa gusali?
scam hub ba'y sino kayang may-ari?

sino pa bang doon ay nangabulid?
anong nangyayaring dapat mabatid?

- gregoriovbituinjr.
06.09.2024

* ulat mula sa pahayagang Abante Tonite, Hunyo 9, 2024, pahina 1 at 2

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Trapo at basahan

TRAPO AT BASAHAN bentador ng bayan ang trapo ang turing sa dukha'y basahan trapo'y nanloloko ng tao ayuda ang nasa isipan ano bang a...