Miyerkules, Hulyo 5, 2023

Pagtula

PAGTULA

minsan, ayoko na ring tumula
pagkat ito na'y nakakasawa?
aba, aba, ang nagmamakata
ay titigil na ba sa pagkatha?

kapara ko ba'y sangkilong bigas
na nagtampo't wala nang mawatas
o kapara'y dahon ng bayabas
na di magawang maipanglanggas

balak, daniw, tula, binalaybay
kawatasan, rawitdawit, siday
anlong, dalit, diona, salaysay
o tanaga ang tulay sa buhay

ang tula ba'y kaya kong layuan
o panahon lang ng alinlangan
ah, pagtula'y di ko maiiwan
dama ma'y parang nasa kawalan

- gregoriovbituinjr.
07.05.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagsulyap

nandito akong muli sa ospital  dinadalaw siya pag visiting hours at tinitigan ko na naman siya ngunit di muna ako nagpakita kagabi, nang siy...