kung may asukal pangkape, ilagay nang sumarap
kung walang asukal, di na ako naghahagilap
ayos na ang kape, di man matamis pag nalasap
kaysa bibili ng asukal, panggastos pa'y hanap
masarap din ang walang asukal, lalo't barako
na inumin ng tulad kong barakong may prinsipyo
para sa masa't mga kapatid nating obrero
masarap, malasa, magigising ang katawan mo
halina't uminom ng kapeng barako, kasama
habang nagninilay at kumakatha rin tuwina
ng alay na tula sa manggagawa't magsasaka
habang sinusulat din ang ginawa sa umaga
tumitigas ang itlog sa tubig na pinainit
lumalambot naman ang pinakuluang kamatis
sa barako'y nangingitim ang tubig kahit saglit
tandang sa diyalektika'y may iba't ibang bihis
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pasig Laban sa Korapsyon
Pasig Laban sa Korapsyon Isang Mabigat na Misyon Tunay na Dakilang Layon At Tanggap Natin ang Hamon! - gregoriovbituinjr. 11.08.2025 * Kinat...
-
ANG LABANDERO pag tambak na ang labada gawain ko ang maglaba damit ng anak, asawa, damit ng buong pamilya Perla ang gamit kong sabon at wala...
-
TIPANAN deyt namin ni misis dahil anib ng aming kasal, muling nagsanib ang aming pusong talagang tigib ng pagmamahal sa isang liblib na milk...
-
UPOS SA PASO sa palengke'y nagtungo ni misis nabili'y isang tumpok na isda okra, itlog, sangkilong kamatis nang may makitang ikinabi...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento