itinatanim ko'y binhi upang maging halaman
sa bawat araw ay palalaguin, didiligan
tulad ng gulay nang may mapitas pag kailangan
at nang may makain din ang pamilya't mamamayan
itinatanim ko'y binhi upang masa'y mamulat
na pakikipagkapwa'y pag-uugaling marapat
na kung tayo'y magpapakatao, ito na'y sapat
upang lipunang makatao'y asamin ng lahat
halina't magtanim, magandang binhi ang ihasik
binhing walang pagsasamantala ng tuso't switik
binhi upang baguhin ang sistema't maghimagsik
laban sa puno, sanga't bunga ng burgesyang lintik
itanim natin ang binhi't diwang mapagpalaya
sa kalsada't piket man, kasama'y obrero't dukha
palaguin ang pagkakaisa ng manggagawa
at lipulin din ang damo ng burgesyang kuhila
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang saksi
ANG SAKSI sa komiks na Bugoy ni Mang Nilo sa dyaryong P.M. mababasa mo ang usapan ng dalawang pulis hinggil sa paglutang daw ng witness tano...
-
taas-kamaong pagpupugay sa kababaihan pagkat tao'y nagmula sa inyong sinapupunan pagkat nanggaling sa inyo'y buong sangkatauhan...
-
ANG TAGAWALIS SA MADAWAG NA KALUNSURAN madawag na kalunsuran ay gubat kung pansinin tagawalis ng kalsada'y tunay na magigiting maagang g...
-
PAMASAHE nais kong magpamasahe at ako'y sumakay ng dyip trese na ang pamasahe ay di ko pa rin malirip onse kapag estudyante pidabalyudi ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento