pag may sampung piso sa bulsa
bibilhin ko ba'y ensaymada?
o isang kanin sa kantina?
ito kaya'y mapapagkasya?
dalawang dekada'y nagdaan
na ganito ang karanasan
lalo't pitaka'y walang laman
natutuliro ang isipan
isang pultaym na walang-wala
kumilos para sa adhika
pagkat ang masa'y lumuluha
kailanga'y bagong simula
ganito ang yakap kong buhay
na buong pusong inaalay
ngunit dapat pa ring magsikhay
para sa marangal na pakay
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ngiyaw
NGIYAW ngiyaw ng ngiyaw si alaga musikang ikinatutuwa sa aki'y humihingi kaya? pagkat gutom na't walang daga? kay-ingay niya buong g...
-
taas-kamaong pagpupugay sa kababaihan pagkat tao'y nagmula sa inyong sinapupunan pagkat nanggaling sa inyo'y buong sangkatauhan...
-
ANG TAGAWALIS SA MADAWAG NA KALUNSURAN madawag na kalunsuran ay gubat kung pansinin tagawalis ng kalsada'y tunay na magigiting maagang g...
-
PAMASAHE nais kong magpamasahe at ako'y sumakay ng dyip trese na ang pamasahe ay di ko pa rin malirip onse kapag estudyante pidabalyudi ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento