Preskong umaga
sa umaga'y kay-agang gumising
mula sa masarap na paghimbing
lalo't sa iyo'y may naglalambing
na tila bituing nagniningning
salubungin natin ang umaga
na sa puso'y may bagong pag-asa
na sa kabila ng kwarantina
ay di pa rin tayo nagdurusa
lasapin mo ang hanging amihan
damhin sa puso't nakagagaan
kayganda pa nito sa katawan
at nakalilinaw ng isipan
gigising na bandang alas-sais
at sa paligid na'y magwawalis
mag-eehersisyo, maglilinis
at kung may kalat ay mag-iimis
magsasaing na ri't magluluto
ng gulay, itlog, hawot na tuyo
at matapos nito'y maliligo
preskong umaga, walang siphayo
- gregbituinjr.
Huwebes, Abril 16, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Maibabalik nga ba ang kahapon?
MAIBABALIK NGA BA ANG KAHAPON? may dalawang kahulugan ang katanungang iyon umaasang maibabalik pa ang dating buhay o huwag nang ibalik ang m...
-
taas-kamaong pagpupugay sa kababaihan pagkat tao'y nagmula sa inyong sinapupunan pagkat nanggaling sa inyo'y buong sangkatauhan...
-
ANG TAGAWALIS SA MADAWAG NA KALUNSURAN madawag na kalunsuran ay gubat kung pansinin tagawalis ng kalsada'y tunay na magigiting maagang g...
-
PAMASAHE nais kong magpamasahe at ako'y sumakay ng dyip trese na ang pamasahe ay di ko pa rin malirip onse kapag estudyante pidabalyudi ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento