Mga boteng walang laman
kayraming boteng wala nang laman, ito'y ipunin
pagkat di nabubulok, mabuting ibenta na rin
at mapaglagyan ng anumang produktong naisin
tulad ng sariling gawang toyo, patis, kakanin
di ito recycle kundi reuse, paggamit muli
gamitin din ang gamit na't di ka magkakamali
kalinisan ng paligid pa'y mapapanatili
baka magkapera pa't kumita ka rin sakali
- gregbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa unang death anniversary ni misis
SA UNANG DEATH ANNIVERSARY NI MISIS depresyon ang dumapo di batid ang gagawin tila nais sumuko ng diwa ko't damdamin biglâ ang...
-
LAMPARAW kung walang kuryente'y gamitin natin ang lamparaw o solar lamp sa Ingles, lamparang gamit ay araw dapat paghandaan anumang ...
-
PALIGSAHAN NA BA ANG PAGHULI NG KRIMINAL? paramihan na raw ng huli ng kriminal, sa ulat sabi ng bagong tinalagang hepe o namumuno sa PNP su...
-
KOMENTULA di raw ako masalita tila tinahi ang dila madaldal lang daw sa tula at doon ngawa ng ngawa sa tula nahahalata ang damdamin ng makat...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento